Food and Drink

Taba ng Talangka – kwento ng guest writer natin


Advertisement

Growing up in the Philippines, especially in the provinces is, contrary to popular belief, a very wonderful experience. Kids that grew in the province have memories and experiences that most kids won’t ever have.

Our guest writer for this week, Pauline De Guzman (aka amahchupermachulet) talks about her rediscovered memory of growing up in the province and enjoying the ultimate cholesterol enabler – Ang taba ng talangka ni Nana Coring.

***********

Noong bata ako mahilig akong makialam sa ginagawa ng mga matatanda kahit minsan hindi naman siya larong pambata. Sa probinsya noon, marami kang puwedeng gawin, manguha nang bunga ng puno ng kapit-bahay ninyo sa hapon, tapos kakainin ninyo, mag-luksong baka sa damuhan hanggang isa sa inyo ang iiyak kasi lagi na lang siyang taya. Masaya.

Si Nana Coring ay lola ko sa ina. Masipag siya masyado. Kilala siya sa bayan namin nung nabubuhay pa siya. Nagtitinda kasi siya sa palengke ng isda, specifically, “Bangus” kasi nga taga-Pangasinan kami. Pero hindi lang yun ang nilalako niya, minsan may kasama ding tilapia, hipon, talangka, depende kung ano ang meron. Pag mura ang talangka, naguuwi siya nang isang malaking cooler na punong-puno ng talangka saka siya gagawa nung mga nasa botelya na “taba ng talangka” saka niya ulit ibebenta sa palengke.

Saksi ako sa paggawa niya ng mga iyon kasi isa akong makulit na bata na gustong “magsiret/magseret ng kape”. (Hindi ako pamilyar sa spelling). Yan ang tawag sa pagtanggal ng taba ng talangka na hindi pa luto. May mga paraan kung paano magtanggal nun. Depende sa lambot nang talangka sa pagkakatigas sa yelo. Minsan pagbukas mo, matatanggal mo na agad yung taba, minsan kailangan mo pang gamitan ng kutsara. Hindi lang sampuan ang bilangan ng mga talangkang tatanggalan mo dito kundi daan-daan. Inaabot din kami ng ilang oras para matapos ang isang cooler.

Advertisement

Sa totoo lang may “kickback” ako dun kaya gusto ko. Haha. Binibigyan ako dati ng 50 pesos ng lola ko pagkatapos. Nagenjoy na ako, may pera pa ako. Hindi dun nagtatapos ang preparasyon ni Nana Coring para sa kanyang taba ng talangka. Kailangan din niya ng maraming kalamansi. Ipapahiwa niya rin sa akin yun, siyempre ibang job description naman yun, so iba din ang bayad dun. Wais na bata. :) Pero hindi ko naman ginagawa yun pagkatapos “magsiret/magseret” kasi mahapdi sa kamay. Di mo maiiwasan na masugat ka sa pagtanggal ng taba ng talangka lalo kung sharp yung mga edges. Para ka na ring naghugas ng alcohol pag ginawa mo yun.

Pagkahiwa mo, pipigain mo naman yung mga kalamansi para lumabas yung katas niya na gagamitin niya sa pag-gisa niya nang taba ng talangka. Iba yung timpla ng lola ko. Hindi niya ginagamitan ng magic sarap o kung anong cubes yan pero malasa ang kanyang gawa kasi purong-puro.

Pagkatapos nun, papalamigin niya. Ilalagay niya sa see-through na botelya na may takip na kulay yellow. Titikman niya kung may sobra. Ilalagay niya ito sa kanin niya. Dahil pasaway din ang lola ko na kahit high blood siya, eh sige pa rin sa kain nun tapos bigla niyang sasabihin na masakit yung batok niya. Matatanda nga naman. Pero bilib ako sa kasipagan ng lola ko. Kahit ilang beses na siyang pinipigilan na huwag magtinda, ginagawa pa rin niya kasi doon siya masaya.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong natitikman na kasing sarap ng gawa ng lola ko na taba ng talangka. Yung mga natitikman ko na ngayon, yung may mga halo na, wala na yung puro, wala na yung tinatawag nilang native. Minsan nga makagawa nang turo ni Nana Coring.

Comments

comments

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *